Christers

Feel free to REGISTER

Register to view all the topics



Admin/Christers Smile

Chris Gutierrez treats his grandma Gloria Romero like a queen

View previous topic View next topic Go down

Chris Gutierrez treats his grandma Gloria Romero like a queen

Post  michele on Tue Oct 26, 2010 2:35 pm

Isa si Chris Gutierrez sa mga mga members ng Giggerboys na ni-launch sa Sunday afternoon drama series ng ABS-CBN, ang Boystown. Silent but dangerous ang drama ni Chris sa show at dahil dito busing-busy ngayon ang nag-iisang apo ng movie queen na si Ms. Gloria Romero. “Nai-stress si Lola kapag alam niyang busy ako kasi napapagod ang apo niya. Tinatawagan ako kapag 2AM na. ‘Anak, uwi ka na. May ‘ASAP’ ka pa bukas.’ ‘Lola, hindi pa pwede. May sequences pa ako’ Opo, ganu’n siya. Pero hindi naman siya nagi-interfere. She will ask lang, ‘Chris, are you okay?’ Concerned lang talaga siya. For example, uuwi ‘yung driver, magpapadala siya ng pagkain. Tapos, kasi nagkikita kami minsan. Kasi sometimes magkasabay kami umuwi. Usually, nu’ng bata ako sanay na ako na umuuwi ang lola ko ng 3 or 5 in the morning. Nabaligtad naman, ang lola ko naman ang naghhihintay. Pagdating ko sa bahay may konting meryenda pa na kain. Hinihintay talaga niya ako. Super bini-beybi pa rin niya ako,” bungad ni Chris.

Ano naman ang sabi ng Mommy niya na si Maritess Gutierrez? “ ‘Yung Mom ko naman alam niya na kaya ko, eh. Pinapabayaan naman niya si Lola sa gusto sa akin. Kasi ayaw naman niya, alam ni Mommy na enjoy ni Lola ‘yung pagiging lola niya, e.” May mga ginagawa ba dati si Lola Glo niya na parang naasiwa na siya especially papunta na siya sa stage ng manhood? “Alam naman niya ‘yun. (laughs) She gives me space naman. For example, when we’re outside naman and we’re like walking in a mall, siya ‘yung nagho-hold ng hand ko. Ngayon, ako na ang nagho-hold ng hand niya kasi baka madulas siya, mahulog. Hinahawakan ko siya. Tapos hindi ako ‘yung kind na tao na parang dahil matanda na ako ayoko na ng ganu’n. Never ako’ng ganu’n. For example, nand’yan ang lola ko, friends ko and’yan, ako pa mismo ang lumalapit sa kanya. Kasi never ako pinalaki na dapat mahiya ako sa family. Never naman po mangyayari ‘yun.”

Hanggang ngayon daw ay bini-beybi pa rin siya ng Lola Glo niya. Ano ang pakiramdam na binibeybi pa rin siya ng kanyang lola? “Masarap din po. Kasi ‘pag pagod din po tayo tapos galing taping or work , o pag-uwi tapos parang pagdo na pagod. Parang bine-beybi niya ako. Pina-pamper niya ako. Parang masarap ‘yung feeling. Parang other people hindi na-experience ‘yun.” Kanino siya mas nagtatapat between her Mommy and Lola kapag may personal problem siya? “Sa Mom ko. Kasi parang I can really tell everything to her. And then, she understands. Si Lola kasi baka magulat kasi sa mga ikwekwento ko. Hindi pa po siya ready. Hindi pa ata. Like may mga simpleng mga gulu-gulo sa school pero hindi ko masabi sa Lola ko. Baka mag-freak out siya.”

What about his lovelife? “Oo, pero kay Mama muna. Kailangan team effort,” natatawang sabi ni Chris. Nagka-girlfriend na siya? “Opo, pero not serious.” Ilan na? “Two, two pa lang so far. Pero parang serious na girlfriend na kita, ganu’n. Four months lang. Four and two months lang ‘yung siya. Non-showbiz. Kasi ano lang siya nu’ng nag-break kami parang it’s not working out.” Alam ni Lola Glo niya? “Hindi, as much as possible keep on low profile lang kay Lola kasi baka mag-worry siya. ‘Hay, naku, Chriis ang bata-bata mo pa,’ ganyan-ganyan. Pero you know, kung minsan din masarap ikwento. I made her kwento once pa lang. Parang natakot nga ako kung ano ang magiging reaction ng lola ko. Pero she was cool with it naman. Parang, “O, sige, ingat ingat lang. Bata pa kayo. Never nakikialam sa life ko ang mom ko at ang lola ko. Dahil parang buo ang confidence nila na pinalaki nila ako ng tama.”

Nakatrabaho na raw ni Chris ang kanyang Lola Glo noon sa Abt Ur Luv. “Sobrang stressful ‘yun sa akin kasi sobrang kabado ako. Ayokong magkamali. Kasi ‘yung sequence pa naman namin umiyak kami. Sobrang, nai-stress ako. Tapos nilapitan niya ako, ‘Okey lang ‘yan, Huwag ka’ng kabahan,’ ganyan. Tapos talagang parang iniisip ko she’s a movie queen and at the same time she’s my lola. For us, for her reputation ayoko naman, siyempre I will work with a movie queen kailangan top of the line ang gagawin ko’ng performance sana. And as my lola nakakahiya rin. Gusto ko’ng ma-impress ang lola ko, e.” Kailan dumating sa isip niya ang realization that his Lola Glo is a movie queen? “Sa cemetery kasi before, when we visited my Lolo, si Lolo Tito (Galla). Kapatid ng Lola ko. Tapos we were walking there. Bumibili kami ng pagkain biglang may lumapit, Lumuhod siya sa lola ka at akala mo talagang birhen ang lola ko. Parang dumikit sa floor ‘yung kaluluwa nu’ng tao. Parang …p ero medyo may edad na ng konti. ’Yun ‘yung realization na grabe! I thought she’s really a queen. May power si Lola. Pero bata pa ako noon. But really, she is my queen,” tapos ni Chris.
Razz
avatar
michele
Newbie
Newbie

Posts : 5
Join date : 2009-12-09
Age : 25
Location : cavite city

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum